Hay, grabe talaga! As what this weblog’s title is, yes… kinagat talaga ako ng pusa! Waaah! This happened just yesterday and I want you guys to take extra precaution.
Papasok kasi ako ng office kahapon, ang aga ko pumasok kahapon actually kaya I decided to drop by muna sa labas ng building namen to buy food. Dun sa may gilid ng Burger Machine, I saw a stray cat. Actually it was about to cross the other end, eh ako naman going on the same direction din. Tas patigil tigil cya gang sa nag-back out cya sa pagtawid. I didn’t expect that the cat would actually stop sa middle ng pagtawid nya. Kaya ayun, paghakbang ko natapakan ko cya…. kaya ayun! Kinagat nya ko sa paa! Waah! Nagulat talaga ako at pagtingin ko na lang sa right foot ko, ayun may sugat na and it was bleeding!
Pagkatapos ko bumili ng food, umakyat na ko sa floor namen, kahit sa elevator continuous pa ren and pagdugo nya. Pagdating ko sa workstation ko, kinuha ko alcohol ko sa pedestal at binuhusan ko paa ko. Mahapdi cya actually. Babalewalain ko na lang sana kasi para maliit na sugat lang naman. Kaso lang nag suggest yung guard ng floor namen na ipatingin ko daw sa clinic namen. Since maaga nga akong dumating, sabi ko.. o sige na nga tutal I still have 2 more hours before my actual shift at wala naman akong gagawen pa.
Pagpunta ko ng clinic, nilinis ng nurse yung sugat ko tapos nilagyan nya ng anti-bacterial cream. Akala ko ok na yun, tapos tinawagan nya yung company doctor namen at sinabi what happened to me. Our doctor advised that I go to Medical City to have an " anti-tetanus toxid vaccine."
Nyaa! Naisip ko medyo abala naman ang sugat na to, ang liit lang naman pero kailangan ko pang pumunta s Medical City. pero naisip ko nga, since I have 2 more hours at one ride lang naman ang Medical City from Ortigas, cge na nga kasi di pa naman dn ako nakakapunta dun sa hospital na yun at sabi nila parang hotel daw dun kaya out of curiosity at gusto ko din malaman pasikot sikot dun, ayun pumunta ko Medical City.
Pagdating ko dun, diretso na ko ng ER, naghintay ako ng waiting area ng mga 30 mins tinawag ako ng nurse and led me to the doctor. Kinausap ako ni Dr. Gonzales about the vaccines that I need to take to ensure that I won’t be affected by cat rabies:
- Tetanus Toxid 0.5 ml
- Tetanus IG 250 ml
- ERIG 8.6 ml
- Verorab 0.1 ml
Hay! ang dami pala! That moment parang gusto ko na lang umuwe…bumalik sa office at pabayaan na lang yung sugat tutal di naman sumasakit at tsaka isa pa… matatakutin ako sa injection! As in kahit nung bata pa ko, ayoko talaga ng mga syringe syringe na yan at working girl na ko bago ko nalaman ang blood type ko kasi nga ayoko mga tusok tusok. Hay!
I resisted needles kahit nuon pa, sa science fair sa school at kung saan-saan pa.. but yesterday, I had 12 shots total of these 4 types of medicine. Waaah! talaga!
Ininjectionan ako ng 2 left arm, 2 sa right arm, isa sa may wrist, 1 sa pwet at 6 sa wounded area ko sa right foot. The method of vaccine was intradermal kaya parang sa skin lang talga i-iinject yung syringe. Kumbaga horizontal at di pa vertical ung position ng needle at manipis na balat lang ang papatamaan. At walang anesthesia ito! Waah talaga! ok lang sa akin yung naunang lima eh, ang kaso pagdating dun sa 6 na injection sa paa, yun ang di ko natiis. Pinalibutan nila ung maliit na sugat ng 6 na injections hanggang tumaba yung paa ko, pagkatapos ako injectionan ng nurse sa paa, paglabas nya ng room, dun ako napaiyak as in IYAK! pagbalik nya pinatahan nya pa ko. Kaya pala nagtataka ako sa kanya kasi bago nya ko injectionan ay sori cya ng sori dahil masakit daw. Nagtaka nman tuloy ako kasi di ba usually ang sinasabi ng nurse " parang kagat lang na langgam to… "
Pati yung Medicard ko nag maxed out na kasi for vaccines pala, P 10,000 lang ang covered nila. Any amount exceeding that, patient na ang magbabayad. Eh P10, 603 and bill ko, kaya ayun nagbayad pa ako ng P603. .. all because of that stray cat.
At di lang yun, I have to undergo 2-4 sessions pa na each session would cost me P1, 850.00 for Verorab injections. Waah! at ako na ang magbabayad nun kasi maxed out na nga yung card ko.
Sa Sunday na yung next session ko, grabe pala ang kagat ng pusa. I never thought it would cost a lot and dami ng sessions.
Alam nyo ba ang mangyayari kapag di nakapag pa injection. Sabi ni Doc, kapag infected daw ng virus ang animal na kumagat sayo, yung rabies daw ay pede kumalat sa katawan and eventually reach the brain. When that happens, a person wil go crazy at maglalaway ganun.. eventually will die. waah! Di ko ma imagine ang sarili na naglalaway at nababaliw na!
UY! Grabe talaga!
Kaya kayo mag-ingat kayo, and don’t neglect once you’ve been bitten by an animal especially if it’s a stray cat or dog. It’s deadly! I’d stay away from cats and dogs na muna, hehe! Ayoko na ulit makagat! Actually hanggang ngayon, masakit pa den ang mga pinaginjectionan sa ken. huhuhu!
On the other hand, kung ako din naman siguro ang pusa, mangangagat din ako sa lakas ng pagkatapak ko sa kanya baka makain ko pa yung paa ng tumapak sa ken..Whehehe! Joke lang! Kumbaga defense mechanism nya din un. Ang sakit siguro nun kasi ang lakas ng sigaw ng pusa nung natapakan ko cya eh.
Lesson Learned: Never underestimate a cat.
Dear God- guide Nyo po ako sa next sessions ko, please let me be brave. ..
God bless, be safe friends and have a blessed weekend everyone!
